2014 New Year Countdown na kasama ang Nanay at Tatay ko.

2014 New Year Countdown na kasama ang Nanay at Tatay ko.

 

Lagi nalang my blessing. Sa kahit anung kasalukuyang sitwasyon maari mo paring maging masaya. Ang nakaraang taon 2013 ay napuspus nang biyaya sumapat naman sa mga pangangailangan. Sa araw araw ay hindi nawalan ng pagasa na bukas ay mas mabuting bagay pa ang ating masasaksihan at mararanasan.

Pumunta ako ng Singapore ng December 30 2013 upang mas madali ko magawa ang aking trabaho, ngunit sa kabila ng pagalis ko ay iniwan ko naman ang aking tatay sa loob ng Philippine Lung Center Medical Intensive Care Unit. Nakaraan lamang ang isang araw ay halos hindi na sya makahinga at sa tulong na lamang ng bomba or pump na may tubo patungo sa lungs nya ang ginamit upang makapag supply ng oxygen sa katawan nya. Halos maramdaman ko ang sakit na kanyang dinaranas kaya di ako nag atubiling kausapin sya na mag relax lang at ang mga nurse sa paligid nya ay ginagawa ang lahat ng paraan para maging normal ulit ang kanyan paghinga. Dumating lahat ang kapatid ko na buhay para palakasin ang kanyang loob. Kami ang kanyang buhay na agimat na nagpapalakas at nagbibigay sa kanya ang dahilan para mabuhay.

Halus maiyak ako habang ako ay papaalis, naghalong kaba, lungkot at isiping dapat nasa tabi lang ako ng tatay ko sa mga ganung kalagayan. Ipinagpapasalamat ko na hindi ako pinayagang ing Immigration sa Singapore na makapasok. Kahit nag aalala ako sa trabaho ko ay mas lubos naman akong nag nahahabag sa kalagayan ang aking tatay.

Maraming salamat at nakabalik din agad ako upang sa piling nang aking tatay ay makasama ko sya sa pagsapit ng bagong taong may bagong pagasa.

By |2017-07-13T15:12:12+00:00January 2nd, 2014|Blog|0 Comments

About the Author:

I have a dream too! It’s about making a difference within me and to help others to do the same. That’s the kind of dream that gets better the more people you share with it. And I found a whole bunch of people who share the same dream, and that kind of makes us like a family.

Leave A Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.