Iiniisip ko na hindi lahat ng alam ko ay alam mo, at lahat ng alam mo ay alam ko, sa kabilang banda marahil magkakapareho tayo pagkat parehas lang ang ating tinatanaw or inuunawa ngunit maaring magkaiba parin ang ating kungklusyon.

May mga bagay akong tinatanaw at marahil itoy nakita nyo narin. Nais ko lamang ipahayag ang aking nararamdaman tungkol sa mga bagay na ito. Malaya ka magbigay ng mga puna at itama ang mga isunulat ko dahil maari mong mabago ang mundo ko.

Nais kung ibahagi sa inyo ang aking malayang pagiisip kung saan magsisimula ako sa wala hangan sa matutuntun ko ang ginigiliw nang aking puso.

Kahulugan nang Pagbasa

Ang Pagbasa ay pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng damdamin at kaisipan sa mga titik at simbulong nakalimbag sa pahina.

Ang pagbasa ay isa sa apat na kasanayang pangwika, kasama nito ang pakikinig, pagsasalita at pagsulat.

Kahalagahan ng Pagbasa

  • Ang pagbabasa’y nakakatulong sa pagtuklas ng karunungan sa iba’t ibang larangan.
  • Naghahasa ito ng kaisipan ng tao
  • Nakapagdaragdag ng kaalaman
  • Nagpapalawak ng pananaw
  • Nagbibigay ng kasiyahan
  • Nakapagdadala sa isang tao sa iba’t ibang lugar
  • Nagbubukas din ito ng daan upang matuto sa iba’t ibang disiplina tulad ng Pilosopiya, Sikolohiya, Kasaysayan, matematika at marami pang iba

(mula sa www.scribd.com)

Ano ang ibig sabihin ng pagbasa?

Ang pagbasa ay ang pagpapakahulugan o pagbibigay interpretasyon sa mga nkalimbag na simbolo o sa mga nakatitik na sagisag ng isang kaisipan.

(mula sa tl.answers.com)