Isang mensahe ang nakarating sa aking gunita, Isang pagiliw na may damdaming pigil sapagkat ang katwirang di tiyak. Ang mga katanungang dapat ko bang mahalin ang taong may mahal namang iba.

Mabuti naman at may mga taong alam kung saan dapat ilugar ang sarili sa kabila ng lahat ng kanyang nais na pagibig ay nangingibabaw ang respeto. Magagawa nyo ba ang tama kung kayo naman ang nasa ganitong kalagayan. Ung tipong ang taong pinapangarap mo ay kaya mong maangkin or maagaw nalang sa mga lihim na pagkakataon. Matitiyaga nyo bang hintayin ang pagkakataong kalag na sya sa isang relasyon at may dahilan na upang malayang magmahal sa iba.

Ang totoo, mahirap naman talaga magmahal kung wala kang nakikitang dahilan. Kayang-kayang pakilusin ng puso mo na gumawa ng akto upang akitin at suyuin ang taong gusto mo, madali lang mag desisyong kung sapat ang mga dahilang nasa iyo. Kung ang mga dahilan mo ba ay malalim na dapat matupad anu man ang mangyari.

Ang salitang “gusto kitang mahalin” ay isang simulang hakbang o isang decision ngunit hindi sapat ang kanyang pansariling dahilan para umakto. Ang isang dahilan na nilakipan ng matinding pagnanasa ay sapat na upang ikaw ay maging kusang ganap sa pagkilos tungo sa iyong nais.

Kung wala ka naman nakikitang dahilan ay maparalisa ang iyon pagkilos, nawawala ang iyong motivations at inspiration na siyang sangkap para magkaroon ka ng lakas ng loob. Dahilan lamang ang karaniwang nagpapatatag sa ating ambisyon. Ang mga taong walang baong dahilan para ipagpatuloy ang laban ay nawawalan ng pagasa at kadalasang sumusuko na lang.

Wala akong masalita pero naisulat ko naman sa blog na ito ang mga nasa puso at isip ko. Galing po kc ang mensahe mula sa aking bagong kaibigan. Maraming salamat at naging malakas ang loob mo upang ipaalam at magpasya ng sa tingin ko ay tama.