Bakit ba gusto mo maging masaya?

 

Bakit ba gusto mo maging masaya?

Malamang na malungkot ka kung bakit ninanais mo maging masaya! Hindi ko alam kung bakit may ilang taon narin ako nag nagsasabi ng “Dapat Happy” at marami nakakilala sa akin ng salitang eto. Ginagamit ko ito para ipaalala na hindi mo kailangan malungkot kung maraming dahilan para maging masaya.

Dapat ba nating dayain ang nararamdaman kung sadyang malungkot ka para lang maging masaya? Sa ganitong pagkakataon hangat maari ay wag na wag mong dadayain ang nararamdaman mo. Hindi mo kailangan magsinungaling sa sarili na masaya ka ngunit kitang kita naman sa mga mata mo ang kalungkutan. Wag nating dayain ang nararamdaman dahil baka mabuhay ka sa illusyon! Mas mabuting harapin mo ang reality na malungkot ka talaga at ang dapat mong gawin ay hanapin ang mga bagay na makakapag-pasaya sayo.

Dapat maging happy ka para sa sarili mo! Pwedi nating set-aside ang kalungkutan! Bakit! Dahil baka dito mo rin mahahanap ang kasagutan sa problema mo pagdating ng panahong dalawin ka ulit nito. Ang pagkakaiba nga lang ay mas nasa tamang pagiisip kana para harapin ang naisangtabing ala-ala. Appreciate what you have now. Magpasalamat ka at may oras kapa para mag enjoy at gawin ang mga bagay na makakapag pasaya sayo. Kung meron tayong dapat matutunan, isa sa pangunahin ay kung paano tayo magiging masaya.

Dapat maging masaya ka para sa ibang tao! Maraming tao ang tumitingin sayo at kadalasang ikaw din ang dahilan kung bakit sila masaya. Malamang na malungkot ka kung ang taong mahal mo ay makikita mong malungkot din. Gusto mo syang maging masaya kung mayroon ka lang magagawa. Kaya dapat ipakita mo na palagi kang masaya! Hayaan mo nang maitago ng hiwaga ang panloob mong nararamdaman masaya ka man o hindi. Hayaan mong makita nalang nila na masaya ka kahit sa panlabas na kaanyuan. Pero mahirap ikubli sa mga taong nagmamahal sayo kung ano ba talaga ang tunay mong nararamdaman.

I’m sure naisulat ko eto sapaggat ganito siguro ang nararamdaman ko. Dapat happy! Parang gusto ko tanunging ang sarili ko kung malungkot ba ako? Mahirap magsinungaling sa sariling nararamdaman. Kaya ang masabi ko! Dapat hanapin ang mga bagay na makakapag pasaya sayo at kung sakaling babalikan ko ang ang panahon ngayon, tsaka ko masasabi kung talagang masaya ako o pinapasaya ko lang ang aking sarili.

By | 2017-07-13T15:12:11+00:00 October 5th, 2015|Blog|0 Comments

About the Author:

I have a dream too! It’s about making a difference within me and to help others to do the same. That’s the kind of dream that gets better the more people you share with it. And I found a whole bunch of people who share the same dream, and that kind of makes us like a family.

Leave A Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.