Bakit Sumisigaw ang Taong Galit?

Bakit Sumisigaw ang Taong Galit?

Ito ang usapan ng isang mag-ama habang nakatingin sa larawan na to:

Tatay: Anak alam mo ba kung bakit nagsisigawan ang taong galit kahit magkaharap sila?

Anak: Kasi highblood na po sila

Tatay: Ano pa?

Anak: Kasi nga po galit sila

Tatay: (napangiti sa anak, at sabi nya) Nagsisigawan ang dalawang tao kapag galit kahit magkaharap pa sila, dahil malayong malayo na ang puso nila sa isat-isa. Malayong-malayo na ang pakiramdam nila at hindi ito maririnig ng isat-isa kung hindi nila isisigaw.

Napapansin mo ba ang dalawang magkasintahan pag nag-usap? malumanay lang at mahina, dinig na nila isat-isa… Bakit? Dahil magkalapit ang kanilang puso.

Yung mga bagong kasal, kahit bulungan lang, dinig na dinig nila… Minsan nga titigan lang, nauunawaan na nila isat-isa. Kasi magkadikit ang kanilang mga puso.

Kaya ikaw anak pagdating ng panahon na galit ka lalo sa iyong asawa o kapamilya, makipag-usap ng maayos at masinsinan… Iwasan mong sumigaw, dahil baka dimo mamalayan, sa kasisigaw mo, masyado nang lumayo ang puso nyo sa isat-isa na baka dumating pa ang panahong gusto mong lumapit, pero dimo na sya makita pa….

By |2017-07-13T15:12:11+00:00January 29th, 2014|Anonymous|4 Comments

About the Author:

4 Comments

  1. cristelia malbino August 29, 2014 at 8:34 pm - Reply

    na ranasan ko rin nyan ang sarap sana sampalin at palit2tan ng sampal pro d ko magawa kasi mahal ko cia baka lalo pa siang lomayo sa akin…. ang ginawa ko analng iniayako cia at pagkatapos noon parng mabawasn na ang gali saka ko na cia paki usapin ng mahin2 kahi may bahid pa ng luha sa mga mata.. hay pag ibig kapag di ka marunong makipag sapalaran nako wag kanalang papasok sa mga ganuon … dapat marunong ka makipag laro kong ayaw mong ikaw ang paglaroan..maraming salamat sa mga payou..

    • dlysen August 29, 2014 at 10:17 pm - Reply

      ang sarap mo pala magmahal. Hindi naman siguro laro ang ginagawa mo. it is how you understand love.

  2. cristelia malbino August 30, 2014 at 1:28 pm - Reply

    iba na kasi ngaun kuya …. isip na ang pairalin ko hidi puso kasi. maskit ang lahat kontragostu lang ung ganoon koya hindi mo alam kong anong dapat gawin at saan paponta..pilitin mo man onawain pero… parang ..ano dapat maona ung future mo bah?or ung taong mahal mo kasi parang may konekson ang lahat ..haii nako mahirap talaga… kaya ngaun bahala na kong anong relasyn mayron kami GOD knows.lang masasabi ko… para kong kinokontrul ko na ngaun ang feelings ko sa kanya…salamat koya talagang ganyan cguro ako mag mahal kasi.. ayaw kong btiwan jajajaj ung tipong ayaw nkong pakawalan kong di nia masabi na ayaw na nia sa akin at bakit… kahit masakit tanggapin ko basta mamalaman ko lang ang totoo un lang….tanggapin nalang….feel ko ako na ang pinakapangit sa balat ng lupa jajaj…..at pina ka bobo haha..tawanan ko nalang mga negative thinking ko… pero sabinila maganda daw ako kaya ko daw palitan un pero sabi ko kong pwedi lang turoan ang puso tagal ko na ginawa..pero hope so sa bandang huli kong di cia baka sa iba…. ??? salamat sa pag advice kuya ..

  3. cristelia malbino August 30, 2014 at 1:47 pm - Reply

Leave A Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.