Subscribe
Tawag Na: +63 922 879 9675  

May pera pero wala naman

Naranasan nyo naba ang magkapera pero wala naman sa mga kamay nyo. Parang nagsaing ka nang bigas pero iba ang kumain. Ang sa iyo ngunit hindi mo naman magamit dahil sa papel lang nakasulat. Katulad din nang marami kang pinahiram na pera ngunit hindi mo naman masingil or merong magbabayad sayo ngunit di mo naman matangap.

Panu na ang gagawin mo pag kailangan mo nang gamiting ang bagay na sa iyo talaga? Wala lang, nangyayari ang lahat dahil siguro hindi ka pa karapat dapat magkaroon. Maraming bagay ang pwdi mangyari kung may pera ka o wala. Hindi naman nila kasalanan kung magkaroon ka nangpera na hindi mo na magamit. Kadalasang sinisisi ang pagkakataon kung bakit hindi sya nagbayad or hindi mo natangap ang dapat na ay sayo, hindi mo na naiisip na sa unang takbo ay ikaw ang nagmagandang loob dito. Sana hindi ka nalang nagmagandang loob o nagbigay nag serbisyo kung sa huli ay magbabago din ang pagasa mo.

Itinuturi ko na pagtulung nalang ang sa akin na pinahiram ko, hindi man sila makatupad sa usapan malaya ako at masaya na nakatulong sa kapwa ko. Itinuturi ko na regalo ang sa mga hindi makapag bayad sa kabila nang serbisyo ko. Parehas tayo panalo at walang matatalo. Wag mong isiping nagpapalamang ako sapagkat ang hindi nyo alam dahilan ko. Maaarin na masamantala ako ngunit ang lahat naman nang bagay na eto ay hindi sa pagitan ko sa inyo, ngunit sa pagitan nang paglilingkod ko sa inyo at sa Diyos.

Leave a Reply

Huling Sinulat

Ka Facebook

Web Rank Stats