Subscribe
Tawag Na: +63 922 879 9675  

Nagpalit ako nag gulong

Matapus ang pagsamba ay naisipan ko mag canvas ng mags, gusto ko na palitan ang mags ko na may mga deperensya. May krak sa gilid, at my butas pa. Halos dalawangpung libo ang presyo nito kaya hindi ko agad makuhang magbalit kaya tingin tingin lang muna. Sa pagtatanung ko sa bungad lamang ng kapilya nang Iglesia Ni Cristo sa local ng Evanghelista ay nakausap ko ang bantay nang tindahan nang gulong. Ang pangalan nya ay hindi ko alam. Matapus nya makita ang aking gulung ay nagbigay na sya ng presyo. Sabi nya 5k papalitan nya lahat ng mags at ipapalit ang bagong mags na napili sa display. Hindi naman ung bago secondhand din pero maayus. Mangyari kasing hindi naman makaka bili nang piraso or pares lang.

Ang bagong rim ko ay 165×80.
Pinapili ako ng mags at itinuro nya ang gusto kung nyang mabili. Hindi ko eto gusto kayat nais ko na umalis. Nakita ko ang star at sinabi ko na eto sana, sa susunod nalng pag my sahod na. Alam nya na kulang ang pera ko kaya hindi ako makakapagpalit kaya naisipan nyang itanung kung magkano ang kaya ko. Dalawang libo lang po ang pero ko dito, salapi nalang ang maitira kung makipag trade in ako. Sa huli nagkasundo kami sa presyo at umuwi akong may natirang salipi or P50. Opps, plus mga barya na hindi ko mabilang.

Ang bago kung mags ay star
Higit na malapad at malaki ang gulong ko nung una kesa sa naipalit. Ang gulong ko ay bago pa ang goma kesa sa naipalit. Ang malapad na gulung ay alam kung hindi gaano matalbog sa lubak kaya medyo napapaisip ako. Ang gulong ko ngayon ay hindi mas malapad ngunit mabuti naman eto sa salida nang sasakyan sa malayung biyahe.

Ipapa align ko pa
Sa dahilang nagbago ang sukat nang aking gulong ay kailangan ko pa eto ipa-align. Kung hindi naka-align ang gulong ay madaling mapupudpud ang goma nito at mabilis uminit. Gumagabi na kaya bukas na lamang ako babalik sa daku kung saan dapat ko ipa-align ang bago kung gulong.

Ang pagtesting ko
Pagkarating ko sa ipisina ay masaya parin ako pagkay meron na akung bagung gulong ngunit hindi naman ako nakakain nang hapuna. Ang halaga na hawak ko ay kulang na pang fastfood. Nagkape nalng muna ako at nag youtube. After ko manood nang movie, sa “http://www.zshare.net/video” eh naisipan ko mag test drive ulit, kaya umalis ako at nagtungo sa MOA. Sa may tabing dagat kunting pahangin, tingin sa buwan, lingon sa paligid bumalik nalang sa opis. Ka kaingit pala mga nag date dun. Ganun talaga pag single.

Single ba ako?
Oo wala ako kapares, pero komited na ako. Pagusapan nalang natin sa ibang pagkakataon. Hindi na pagpapalit nang gulong ang talatang eto.

1 Comment
  1. Na align na ang gulung nang sasakyan, hindi na agad mapupud ang goma nito. Maraming salamat at libre naman eto kung sa kanila ka nakipag palit nang gulong.

Leave a Reply

Huling Sinulat

Ka Facebook

Web Rank Stats