May inaasahan akong malaking biyaya bago matapus ang taon. Ipinagpasalamat ko na ang lahat ng biyayang aking natangap at mukang meron pa akong biyayang parating. Kung ito man ay sa ikabubuti at kalooban ng Diyos, ay mangyari nawa sa akin.
Ang tanging meron lang ako ay ang pagaasa. Ang pagkakataon ay sadyang mahiwaga dahil ang sa tingin mong imposible ay mangyayari. Hindi ko man mabangit kung anung bagay ito ay marahil sa susunod na blog ko na ibabagahi sa inyo.
Ang mahalaga ay mayroon akong pagaasa. Lubus akong umaasa na matutupad ito. Pwedi naman akong mabigo pero ok lang yun dahil ang mahalaga natutu ako panindigan ang pagasa ko sa bagay na gusto ko.
