Do you believe in Fairytale?

 

[frame src=”http://www.pagbasa.com/wordpress/wp-content/uploads/2012/08/chinby-anndrhomeda-fernando.jpg” width=”200″ height=”IMAGE_HEIGHT” lightbox=”on” title=”Chinby Anndrhomeda Fernando” align=”right” ]

Kwentong barbero naman tayo ngayon. Nakakatawang Fairy tale ang gusto ko ikwento. Karanasan eto ni Lola na kasabay ko sa jeep. Ang ganda naman talaga ng porma ni Lola kaya binati ko sya sa pagpuna ko sa kanyang kutis. Doon nagsimula na kaming nagusap at tinanung nya ako kung naniniwala pa raw ba ako sa fairy tale.

Nakakatawa ang kwento ni Lola at halos mahulog ako sa upuan ng jeep. Akalain mo na naka iskor pa sya sya ng isang matamis na halik mula sa isang guwapo at matipunong lalake. Eto ang naging usapan nila para malaman nyo kung dapat pa ba kayong maniwala sa fairy tale.

Animnapung tao na si Lola at hirap na sya sa pagtawid dahil sa mabagal na paglakad at malabong mata. Isang matipuno at guwapong lalaki ang nagmagandang loob na tumulong sa kanya para itawid ng kalsada. Sinabi ni Lola sa binata na “Dahil sa kagandahang loob mo ay natagpuan mo ang isang diwata sa kaanyuan ko. Kung mabigyan mo ako ng matamis mong halik ay magiging 16 desi-sais anyus ulit ang pangangatawan ko.” At nakisuyo naman ang binata na baka pwedi sa tagong lugar nalang nya gawin ang bagay na hinihiling ni Lola. Ganun nga ang nangyari at ilang beses nya itong hinalikan. Tuwang tuwa si Lola sa kanyang karanasan sa binata. Hangang sa nagtanung si binata kung kelan sya mag transform or babalik sa desi-sais anyus na kaanyuan. Muling silang nag usap ng ganito, “Ilang taon kana ba iho?” 30 years old napo ako ang sagut ng binata. “Abay ang tanda mo napa la! Bakit naniniwala kapa sa fairytale?”

Nang matapus ang kwento ni Lola, tinanung nya naman ako. “ikaw ba iho ay naniniwala pa sa Fairytale?” lols, sabi ko “asa ka pa Lola, pero in fairness maganda ung apo nyo. Kwentohan ko rin, baka maniwala sya isa naman akong prinsipe at ibibigay ko ang aking kaharian kung hahalikan nya ako.

Sana matutunan nyo sa tutoong buhay na maraming mag opportunity ang darating sa ating buhay. Pero sana naman gamitin natin ang ating kaalaman upang suriin muna kung totoo. Marami talaga ang manloloko sa panahon ngayon. Maraming mangagako ng magandang trabaho pero isang malupit na karanasan pala ang makakamit mo. Kaya payo ko lang, baka naniniwala pa kayo sa fairytale.

By |2017-07-13T15:12:12+00:00August 30th, 2012|Joke|0 Comments

About the Author:

I have a dream too! It’s about making a difference within me and to help others to do the same. That’s the kind of dream that gets better the more people you share with it. And I found a whole bunch of people who share the same dream, and that kind of makes us like a family.

Leave A Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.