Mabuti na lang at alam ko kung paano maging masaya!

 

Na miss ko nang umiyak! Tipong handa kanang isuko ang lahat, pakiramdam na suko kana at wala ka nang magagawa kundi ang umiyak. Naka move on na ba ako or nakalimut lang pansamantala? Bakit nga ba gusto kong umiyak ulit? Dahil ba naalala ko kung gaano kita kamahal noon at ang mga pangarap natin noon ay pawang kathang isip lamang.

Nalulungkot ba ako ngayon o nanghihinayang lang? Dahil ginawa ko namang maging mabuti para sa taong mahal ko. Ipagpaumanhin mo kung at hindi ako naging sapat para sayo. Kahit sapat o sumobra man ang pagmamahal ko ay wala parin naman akong magagawa kung hindi ako ang pinili ng puso mo.

Ganun naman talaga, kahit hindi natin mahal, basta andyan para sa sayo ay hinahayaan nating makasama sa buhay. Tipung bahala na basta maramdaman mo lang na hindi ka nagiisa. At habang sa paglalakbay ay hindi mo pakakawalan ang nais mong makasama habang buhay. Ngunit ang pagmamahal ko ay mas labis kaya ang palayain ka ay katulad narin ng isiping hindi kana babalik.

Mabuti nalang at alam ko kung paano maging masaya! Kahit mag isa ako ay nagagawa kung tumawa dahil sa mga magagandang ala-ala at mga pananaw ko sa hinaharap ay sapat na para maging masaya.

 

 

By | 2016-12-06T14:31:21+00:00 December 6th, 2016|Blog|0 Comments

About the Author:

I have a dream too! It’s about making a difference within me and to help others to do the same. That’s the kind of dream that gets better the more people you share with it. And I found a whole bunch of people who share the same dream, and that kind of makes us like a family.

Leave A Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.