Naka-move-on ka na ba sa umaga?

 

Umaga na pala. Gising na yung mga may pasok at may lakad. Ako hindi pa rin gising sa katotohanan. Nagmamahal pa rin sa taong malabo akong mapansin ang aking nararamdaman.

Maliwanag na sa labas. Maliwanag na yung daan. Kita mo na yung mga nasa salubong mo. Kita mo na yung ibang tao pero ikaw naka focus pa rin sa taong di ka kayang mahalin.

Panibagong araw. Nag move on na yung araw, ikaw di pa rin nakaka move on kasi naka pako pa rin yung ulo mo sa mga panahong mahal na mahal nyo ang isat isa. Pero in reality, ikaw na lang talaga ang nagmamahal.

Inaantok pa. Wag ka ng antukin. Kahit ilang oras kang matulog hindi magkakatotoo ang panaginip mong ikaw lang ang nag iisa para sa knya kasi marami na ngang nagbago at lalo lang syang naging babaero.

Panis na laway. Oo, bumangon ka na at maghilamos para matanggal na yng panis na laway na yan dahil ang kwento nyn ay puro panaginip, puro pagbbgay pag asa kht wala naman na talagang pag asa, puro walang katotohanan. Kaya bumangon ka na at gawing masaya ang araw mo, para di masyadong mabaho ang panis na laway mo bukas ksi masaya kang matutulog mmayang gabi.

Original Post: Denise Cristeen Macarayon Cinco

By |2017-07-13T15:12:08+00:00May 28th, 2016|Blog|0 Comments

About the Author:

Leave A Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.