Paano ba maka move on 2017 na!

 

Para sa mga dati ng sawi at nagdaan sa mga paghihirap ng kalooban, ikinalulugod kung malaman na ikaw ay naka move on na. 2017 na ngayon! Para sa mga hindi pa naka move-on, magawan mo na sana ng paraan na tangapin ang nakaraan. Ang pagtangap na ang pinakamadaling paraan kung paano maka move on.

Walang naka move on na nabura ang ala-ala.

Lahat naman ng naka move-on ay alam ang kanilang sinapit. Ang paglimot ay hindi sagot sa pag move-on. Ang mga bagay ay madaling makalimutan kapag wala na silang halaga sa buhay mo. Kung ang mahahalagang bagay nga ay nakakalimutan mo kagaya ng payong, mas lalu mo na dapat makalimutan ang mga taong nananakit lang ng damdamin mo. Kung sakali mang maalala mo ang payong mo na naiwan at sasabihin mo nalang na meron namang mabibili dyan, o kung sa taong pasakit lang sa damdamin ay sabihin mo nalang marami naman magpapasaya sakin kahit wala ka na.

Paano mag move on ang mahirap?

Parang ako lang, ang hirap talaga maka move on. Mahirap bilhin ang kapalaran. Ang pinaka maganda ko na sigurong gawin ay magpayaman nalang. Marami naman talagang naging successful at naging mayaman mula sa trahedyang dulot ng pagkabigo. Syempre kung anong meron ako ngayon ang binigyan ko ng pansin, at pagmamahal. May nanay pa ako noon kaya swerte ko pa, pero may pagkakataon din na wala talaga akong mayakap at mahingan ng payo kundi kung ano lang ang ibinulong sakin ng langit. Nanalangin ako ng mataimtim at buong puso.

Paano mag move on ang mayaman?

Parang mahirap din, ang ibig kung sabihin kagaya ng mahirap na kung ano lang ang meron ay siyang ginagmit na kasangkapan para maka move-on. Nagkataon na ang mayaman ay may pera. Pwedi silang mag travel and bumili ng kung ano anong bagay na makakaaliw sa kanila. Hindi naman talaga kailangan ng pera para maka move-on pero makakatulong ito para maibaling sa iba ang attensyon mo. Lahat ng pwedi mong gawin sa pera mo ay lubusin mo na, yang ang maitutulong ng pera sa pag move-on mo.

Paano mag move on ang hindi maka move-on?

Ang mga atras-abante! Yung tipong lulubog lilitaw ang pag-asa. Ayaw mo na pero baka sakaling pwedi pa. Yung feeling na basta nasa puso at isipan kita ay ayos lang masaktan. Ang mga super loyal na hindi magbabago hangat buhay na buhay pa sa kanila ang masasayang ala-ala. Yung ang paniniwala na ang  nagmamahal ng tapat ay may mag susukli ng pagibig na wagas.

Makaka move on ka kahit mahirap o mayaman kaman. Basta gusto mo lang.

Sege na nga mag move-on na tayo. Matutunan na sana nating tangapin na ang mga bagay ay iginuhit na nang tadhana. Kailangan mo no nalang itong tuldukan sa pamamagitan ng pagtangap. Tangapin natin na ang minsan nating inasahan ay hindi na matutupad. Matatangap mo ito dahil alam mo na maka move-on.

By | 2017-07-14T20:19:53+00:00 July 13th, 2017|Blog|0 Comments

About the Author:

I have a dream too! It’s about making a difference within me and to help others to do the same. That’s the kind of dream that gets better the more people you share with it. And I found a whole bunch of people who share the same dream, and that kind of makes us like a family.

Leave A Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.