Paano Maka Move-on Tips 2014

 

Maraming paraan para maka move-on ka sa bigong pagibig o sa kalagayang ayaw mo nang balikan. Makakatulong ang mga tips dito para madali kang maka move-on. May mga bagay ka lang dapat na gawin upang unti-uti mabaling ang isip mo sa mas importanteng bagay.

Maihalintulad mo ito sa hindi pagkatulog. Kahit gaano katagal and gising mo, darating parin ang oras na makakatulog ka. Ganito rin ang pag move-on, mapapagod ka rin sa bandang huli at lilipas din ang mga bagay na ayaw mo. Pero sana sa pagising mo ay maliwanag na sayo ang katotohanan na ang mga bagay na lumipas na ay hindi na dapat babalik. Mas maganda pang alamin ang bukas kaysa sa pagdalamhatian ang sawi mo nakaraan. Sa madaling salita ay makakamove on ka talaga dahil dun din ang punta ng pag hihirap mo pag pagod kana. Sana lang wag mo patagalin at gawin agad ang tama.

Sumakay ka ng jeep or bus ng walang pamasahe. Lakasan mo lang ang loob mo dahil habang nakasakay ka ay siguradong nagiisip ka na kung anu idadahilan mo sa kundoktor or sa driver. Paano ka maka move-on sa ganitong paraan? Sa palagay ko naman ay mas maiisip mo magdahilan kesa isipin ang ex mo. Isang biyahen agad mo syan makakalimutan. Hindi po ito applicable kung ang ex mo ay driver, kundoktor or mandurok sa bus.

Sanayin ang pagsasabi ng I love you sa ibang tao. Marami sa kanila ay maaaring misinterpret ang sasabihin mo, pero doon mo madarama ang pagasa at sinyales na may adventure pa ang buhay ibig mo. Ipaliwanag na ang pagsasabi mo ng I love you ay walang malisya. Madaling sabihin ang I love you sa magulang, kapatid at kaibigan, madali ka nilang maintindihan kung sasabihin mo ito sa kanila. Malakas makahatak eto ng good vibes. Ang totoo gumagaan ang pakiramdam natin pag nakakrinig tayo nito mula sa mga mahal natin sa buhay.

Maghanap ng isang bagong libangan na hindi nyo ginawa ng ex lover mo. Sa ganitong paraan mas madali mo syang makakalimutan. Halimbawa na lamang ay ang outdoor adventure, hiking, under water diving and sky diving. Basta activity na hindi nyo ginawa ng ex lover mo ang mga bagong experience na dapat mo maranasan. Robbery, kidnaping, and shoplifting ay hindi ko ma advice pero binigyan lang kita ng clue.

Magpaganda ng sarili. Hindi lang sa panlabas na kaanyuan, dapat sa panloob din kasama ang emosyonal at spiritual na kalagayan. Mas bigyan mo nang pagmamahal ang sarili mo kaysa sa ibang tao or ex lover mo. Kadalasan na napapabayaan natin ang ating sarili dahil sa pag hahabol or pagdadalamhati sa ating pagkasawi. Baka sakaling balikan ka nya kung mapansin nyang mas maganda kana. Eto ang winning moment kaya dapat all in and out na maganda ka. Eto ay ang pagrespeto natin sa sarili dahil sa ating pagpapahalaga, dapat lamang na makahanap ka ng taong may respeto din sa sarili at hindi yung babalikan ka lang dahil nagbago at mas gumanda ka.

By |2017-07-13T15:12:11+00:00July 19th, 2014|Blog|4 Comments

About the Author:

I have a dream too! It’s about making a difference within me and to help others to do the same. That’s the kind of dream that gets better the more people you share with it. And I found a whole bunch of people who share the same dream, and that kind of makes us like a family.

4 Comments

  1. shello October 11, 2014 at 11:55 am - Reply

    Tama kaibingan,lahat tayo.pwd mag move on kung gusto mo..isa lng mapapangako ko sa akin sarili kung magmahal man ako.ulit yong ibibigay ko lahat pagmamahal kaysa na ibigay ko noon sa knya..

  2. karen joy bulan March 12, 2016 at 6:16 pm - Reply

    Tama: ka tnx

    • dlysen May 1, 2016 at 3:41 pm - Reply

      Thanks Karen for short comment.

  3. […] make her fall for you without plans of pursuing: 1. You’ll damage her emotions big time. ( it’s really hard to move on ) 2. She’ll question herself if there is something wrong with her. 3. She’ll pity […]

Leave A Comment Cancel reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.