Sino Ka Bang Minsan Na Ikaw Ang Pangarap Kong Natupad?

 

Sino ka bang nakaka alam ng mga sekreto ko sa buhay? Nalulungkot ako sapagkat hindi kita kilala. Alam mo kung paano buksan ang puso ko at paibigin ngunit sadya yatang wala kang balak mahalin. Alam mo kung sino ako kahit hindi mo hawak ang kapalaran ko.

Sino ka bang nakakaalam kung bakit ang mga gabi ko ay parang idinidikta mo? Nababangit mo ang mga bagay na ikinababahala ko at alam mo kung paano kalmahin ang binabagabag na puso ko. Sino ka bang nagpadama na ligtas at masaya ako sa piling mo?

Alam mo ang mga kamalian ko at ipinagtangol mo ako. Inalalayan mo akong mahanap ang sarili kong liwanag sa madilim na yugto ng buhay ko. Sino ka bang nakaalam ng mga pangit na bagay sa pagkatao ko ngunit nasabi mo paring naging mabuti ang kinalabasan nito?

Sino ka bang nakakaalam ng pinakatago-tago kung sekreto at iningatan mo ito para sa kapakanan ko? Nalalaman mo ang mga bagay na hindi ko kayang sabihin at mga kasinungalingan nasambit ko. Hindi kita kilala pero pinagkatiwala ko sayo ang pagkatao ko.

Kilala mo ang mga kaibigan ko at ang mga lihim kung pagtingin sa ilan. Kilala mo kung sino ang mga taong pinagkakatiwalaan ko at kung sino ang kinakausap ko nang tangi sa lahat. Pinakingan ko ang mga payo mo sa mga plano ko at sinunod ko ang mas nararapat. Hindi nga kita kilala pero naramdaman kung isa kang kaibigan na masasandalan.

Hindi nga kita kilala pero kinausap mo ako kung pano natin lalakbayin ang mga pagsubok sa buhay. Hindi nga kita kilala pero alam mo kung nasaan na tayo.

Alam mo ang mga pangarap ko at kung paano ko ito kakamtin; alam mo ang mga gusto ko at kung ano ang makapagpapasaya sa akin; alam mo kung paano mo nabago ang mundo ko at kung gaano ko lubos na gusto kang makilala. Naging minsan na ikaw ang pangarap kong natupad.

Alam mo mo kung paano ako makipag-usap at kung paano ako tumatahimik. Naintindihan mo ang mga pagkukulang ko. Alam mo ang mga damdamin sa mga sinulat ko at ang ilan ay ibinigay ko pa sa iyo. Sino ka bang aking sinulatan noon at ikaw pa rin ang laman ng sulat ko ngayon?

Sino ka nga ba at bakit ikaw ay minsang natanaw ko na kasama sa pagtanda? Hindi kita kialala pero pinili kitang mahalin nang buong puso. Hindi nga kita kilala pero ikaw ang ala-ala at nanatiling nakaukit sa puso ko. Minsan bang napag-usapan nating hindi na kita makikilala o dapat bang limutin na kita?

Sino ka ba at alam mo kung paano ang dapat kong gawin para kalimutan ka at kung paano ko ipapakita na okay lang ako pag kaharap ka? Alam mo bang hindi ko na mapigilan ang pagluha ko hangang sa mapag-isa at makatulog na lang? Alam mo rin kung papaano ako tatahan sa bawat pagluha ko sapagkat alam mo rin kung paano ako nakalimot. Dahil minsan nang ikaw ang nagpagaling ng sugat ko.

Hindi nga ba kita kilala? Kailangan kong magpanggap na walang nangyari at ang nakalipas ay kathang-isip lamang. Hindi ko ba kailangan ang oras o mga haplos mo para mawala ang sakit na nararamdaman ng puso ko? Mapapawi din ba ang lamig kahit wala ang yakap mo? Ang mga ngiti mo ba ay naging sapat para mabuo ang araw ko? Para bang hindi mo ako natulungan noong nanghihina ako? Ang mga mata mo ay palaging nagpapaalala na matatapos din ang alalahanin. Marahil hindi na nga kita kilala.

Sino ka ba na minsang pinaniwalaan kong hindi ko na makikilala – na siyang nangako na hindi na mawawala? Hindi na nga kita kilala pagkat nag-iba ka na at katulad ka na rin ng iba.

By | 2017-07-13T15:12:11+00:00 May 8th, 2016|Blog|0 Comments

About the Author:

I have a dream too! It’s about making a difference within me and to help others to do the same. That’s the kind of dream that gets better the more people you share with it. And I found a whole bunch of people who share the same dream, and that kind of makes us like a family.

Leave A Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.