Nangyari din ang tagpuan naming ni CJ Salas noong Agusto 30, 2011. Sa kalagitnaan ng hating gabi ay sinikap ko na sya ay puntahan sapagkat ang oras ko sa umaga ay di ko matiyak para saglitin sya. Araw narin ng kanyang pagbabalik bayan kaya sinamantala ko ang pagkakataon habang narito pa sya sa Manila.

Kakagaling lang nila sa Mall of Asia at ako naman ay nag Tumblr sa office. Nagkita kami sa lugar na kung saan sya at ng kanyang Tita ay naka check in. Biru bang sa text message ay nang arbor ng damit dahil naubus na ang malinis nyang isusuot. Ako naman naghanap din ng maibigay. Nasa labahin ang mga damit na higit nyang magugustuhan kompara sa ibigay ko.

Habang patungu ako sa meeting place ay sinubukan naming mag withdraw ng GF ko na si Lourdes para may pang gasolina at konting makakain habang nag uusap. At sa hindi inaasahan offline at hindi kami naka withdraw ng pera. P60 lang ang ikinargang gas sa Caltex para makarating lang paroon at pabalik.
Ng magkita kami ay inaya ko nalang sya Office para dun kami mag stambay at magkwentuhan. Natapus ang aming paguusap sa isang magandang leksion tungkol sa pagpapalago ng kabuhayan. Hindi kami kumain.
Inihatid ko lang sya pabalik sa lugar kung saan sila naka check in “Shogun” sa may Pasay Taft, ngunit naiwan ko naman ang, kamera ko. Binalikan ko ito at dito na naganap ang pikturan.
Maraming salamat CJ sa mga natutunan ko sa iyo.