Marunung kaba mag hugas ng plato? Bihira na ang magsasabi na hindi dahil kaya naman eto ng normal na tao. Maaring sabihin mo na hindi ka naman katulung, maid or yaya para hugasan ang plato pagkatapus kumain. May dalawang bagay akong gustung ipakita na may kinalaman sa pagasenso.
Totoo bang sa paghuhugas ng plato ay maari kang yumaman?. Mahirap paniwalaan, hindi sa literal na paghuhugas ng plato ang gusto ko iparating. Nais kong ipapansin sa inyo ang ugali na taglay ng mga taong my kusa sa paghuhugas ng plato.
Balikan natin ang tanung na “Marunung ka bang maghugas ng plato?” Oo pero bakit hindi mo ginagawa. Katulad din ito ng katanungan “Kaya mo bang magipon ng limang piso araw araw? Oo pero bakit hindi ka nagiipon. Wag sanang mangyari eto kung nasa kalagayang may maganda kang kita.
Sabihin na nating hindi ka naman yayaman sa pa limalimang piso. Sa bandang huli makikita natin ng pagkakaiba ng may ipon sa wala. Maaring mas marami kang mareregaluhan sa pagsapit ng bagong taon or madagdadagan ang “emergency funds” mo.
May mga bagay na kaya nating gawin pero hindi naman natin ginagawa. Masusi nating alamin ang bagay na may pakinabang kung uugaliin nating gagawin. Katulad ng pag iimpok sa bangko, pag tuklas ng bagong kaalaman, at pagyamanin pa ang mga bagay na kaya naman nating gawin.
Like! Tungkol sa pag-iipon.. Marunong po akong maghugas ng pinggan.. hehe.. 🙂
Hi Zen, Maraming salamat sa pag dalaw at masaganang pag iimpok.
maganda to. like ko to.
marunong akong mag ipon,hehehehe
marunong din akong maghugas ng pinggan
Maraming salamat yssella sa pagbasa mo at komento. Nawa ay ugaliin natin ang pagiipon kung marunung naman tayo.
lalim mo boy…, ganda blog mo sana sumikat ka. idol na kita… ikaw na.
Ang pasalamat ko ay para sayo rin naman.
Magandang Umaga po. Ako po ay si Alexis Follosco. Guro sa Filipino. Kung inyo po sanang pahihintulutan nais ko po sana na gamitin ang Ang iyong blog na “Ang pag huhugas ng plato.” sa pagbuo ng modyul. Ito po ay makatutulong sa kaalaman ng mag-aaral konektado po sa paksa na tatalakayin po sa gagawing modyul po na aking gagawin. Maraming Salamat po.
Maari po ninyo itong gamitin. Lalo napo kung makakatulong sa inyo.