Bakit ka nandito?
Hindi ba dapat sa ganitong mga oras
ay nagmumukmok ka lang sa iyong kwarto
dahil sa ayaw kang palabasin
ng nanay mo, sapagkat disgrasya lang daw ang aabutin mo
at pinipilit ka nilang mag-aral
na talaga namang hindi hilig ng puso mo.
Pero ano’t matigas ang iyong ulo,
kalye ay tinahak mo.
Mahigpit ang pagpatak ng kalangitan,
Singhigpit ng kapit mo sa hawakan
Habang parang unggoy na lumalambitin
At paulit ulit na tinataghoy “O Kanto Tinio na!”.
Tila humahalakhak na musika sa pandinig ko
Ng malaman kong ikaw ang sumasambit nito.
Parito’t paroon ang iyong takbo,
Akyat panaog ang gawa mo,
Magagalit ka ba kung sabihin kong
ang nakikita ko sayo’y parang isang aso?
Napangiti ako nang akalain kong kumakaway pa ang araw sa ibabaw ng ulap
Ngunit ano’t kulay tanso lang pala talaga ang ulo mo.
Marahil ay matagal ka ng sa kalye’y nakikipagpatintero
Dahil mukhang noon pa nahalikan ng araw
ang mga hibla ng buhok mo.
Hawak mo sa kanan ay parang tambutso
At sukbit naman ng balikat mo’y sisidlan ng kung anu-ano
Na ng inupuan mo’y nahati sa tatlo.
Tumawa ka na lang sa kalokohang nagawa mo,
Pero ano’ tila tinuruan mo pa ako,
Gano’n na lamang din siguro ang gagawin ko,
Tatawa sa sarili sa mga maling magagawa ko.
Mga pasahero panay puna ang sambit sa’yo,
Teka tanong ko, ano ba ang naitulong mo?
Napansin kong sa kanila’y nawalan ka ng respeto.
Tama ka, sila ba ang nagpupuno ng bituka mo?
“Hoy multong bakla!” sigaw mo sa isang nagdaan,
Naisip ko na kung gano’n ang tinutukoy mo
E, mas nanaisin ko na lang sigurong maging bading.
Kung sa bagay mas magandang tawaging kadiring bading
Kaysa tulad sa ama mong dakilang palamunin.
Ikaw ang sa kanila’y bumubuhay at magpapakain habambuhay.
Ngunit nang ang drayber “Kanto Tinio” ay isinigaw
Bigla ka na lamang pumanaw.
Natakot ako sa kinahantungan mo,
tila naging mabilis ang buhay para sa’yo,
Pero masaya na rin ako dahil kahit papaano’y
Naging gwapo ka sa paningin ko.
To the boy who broke his ice chest which he uses to sell bottled water, juices, junk foods etc. in the middle of the road. Whoever you are, I may not know you by name and albeit I have already forgotten your face this is for you. Be careful on the road, always.
“D’yan lang po sa may Kanto ng Tinio”
By Maynard Ramos, November 11, 2010
http://pahinanijuan.tumblr.com
naks! ang astig ng dedication!
Hi Bon, maraming salamat sa pagdalaw. Entry po ni Maynard yan sa pacontest nang pagbasa.com April Poem and Feed Contest at maari din naman po kayo sumali sa kasayahan.
Oh thanks man.