Sumasakit ang ngipin ko at marami akong sinusubukang paraan para matangal ang sakit nang ngipin. Isa na rito ang ang pagtapal nang papel sa binabad sa suka doon sa pisngi kung saan nakatapat ang masakit na ngipin. Isang makalumang pamamaraan ko. Epektibo naman kc naniniwala ako na mawawala. Iniisip ko nalang na wala na ng sakit. Subukan nyo eto at matutuwa kayo pag nawala nga ang sakit nang ngipin nyo.
Namamapak din ako nang bawang kung sumasakit ang aking ngipin. Ang bawang kc ay subok na pumupuksa sa mga bacteria mapa saang mang parte nang katawan.
Hindi ko rin naman maiwasang sundutin eto nang kung anu anu, kagaya ng tooth pick, kutsara, tinidor para lang kalkalin at makita kung anu ba talaga ang deperensya.
At kahit na minsan hindi pa kailangan mag sipilyo ay nagsisipilyo ako para lang mawala ang sakit nang ngipin ko.
Nasubukan ko rin magpapasta kc sinabi nang dentist, kahit wala pala sira ang ngipin mo ay pwdi pastahan kumita lang sila. Ayus etong raket na eto diba. Natangal ang sakit nang ngipin ko pati narin ang laman ng pera ko.
Magingat din kayo kc baka hindi naman ngipin ang masakit kundi ang gilagid lang or gums. Kadalasang napagkakamalan natin na masakit ang atin ngipin pero ang totoo ay gums natin ang sumasakit. Katulad nalang ng kakilala ko na nagpabunot nang ngipin ngunit wala naman sira ung binunot na ipin. Pinahiran lang nang gamot ung gums nya at nawala na ang sakit, kaya lang wala narin ung matipunung ngipin nya.
Alamin mabuti kung ano ba talaga ang masakit, gums o ngipin bago magpabunot. Alamin mo rin naman kung may pambayad ka sa dentist.
hahaha salamat natangal din ung sakit ng ngipin ko
tnx pare kagabi p ako sinasaktan ng ngipin nato salamat sa bawang at nawala ang sakit tnx at nag post k kung panu mawawala ang masakit na ngipin
tnx sa lahat ng nagpost ng lunas sa sakit ng ipin..kasi kgabe ang sarap ng tulog ko ng bigla akong nagising mga 12:35..sobrang sakit ng ipin ko..d ko tlga alam ang gagawin..mabuti naman at bawang lang pala katapat..kaya more thankx talaga sa nagpost ng panlunas sa sakit ng ipin.
Thank you naman at may nakuha kayong information at sana ay natutunan nyo gawan ng paraan mapatigil ang masakin ninyong ipin or ngipin.
Ang sakit po ng ipin ko .lahat ng gamot ginawa ko na .pati bawang nilagay ko na sa butas na bulok ng ipin ku .pati bayabas nag mumug na me .ilang lingo na to pasulpot sulpot ang sakit .pls help me
ang saket ng ntgepin ko lahat ginawa kuna naglagay ng bawa sa butas ng ngepin,nag mmug ng maaligamgam na tubig na may asin di padin mawa ilang lingo napo to…
Gums po Kasi yung masakit sa akin. Tanong lang, yung bawang ba ipapahid lang o kakainin.?
Yung sakin po ay binabad ko muna sa bibig or sa ngipin o sa gums, then nakain ko rin. Kahit katas lang ng bawang ilagay mo sa gums mo para ma neutralize ang bacteria. Subukan mo lang at baka mawala ang sakit. May mga ointment naman na nabibili sa butika kaya mag tanung ka rin sa dentist.
Pwede bang uminom ng whisky pag masakit ang ngipin
ilang days na po sumasakit ang mgipin ng asawa ko marami ma po syang nainum na gamot wala din epek may butas po kc ang ngepin nya ano po ang magandang gawin salamat po
Nagpabunot ako nung linggo. Pero huwebes nah di padin gumagaling ung pinagbunutan sakin. .nasakit parin. .nakakailang inom na ko ng mefanamic at amoxicilin pero ganun padin. Nasakit parin. .bukod pa dun, namamaga ung gums ko. .bawang parin po ba pwede Kong ipang gamot?. .or ano pa po ang pwedeng ipanggamot . .
simple lang naman yan…dapat kumain ka ng malalamig na pagkain. tapos uminom ka ng gatas para sa madaling maghilom ang sugat sa gums mo. huwag ka munang magbuhat kung maaari at magpahinga muna at huwag magpupuyat para madaling maka-recover sa pagpapabunot.
Ang sakit po ng ngipin ko, pero wala namang butas,, sana po matulungan nyo ako
3 days na rn, pa sulpot sulpot sakit ng ipin ko, nag try aq ng bawang, nawawala xah pero pag kumain na nman ako at masaid kahit coffee lang sasakit na nman.