May dalawang bagay lang akong napansin mula sa sarili kung karanasan at sa karanasan din naman ng ibang tao. Ang magmahal nang lubus or pairalin ang galit na tila wagas.

paano maka move on

Huwag naman sanang dumating din sa iyo ang takdang magkakahiwalay kayo ng mahal mo. Ang masakit lang naman ay hindi natin matangap ang mga dahilan agad-agad. Maari na magkahiwalay kayo pansamantala or wala na talagang balikan.

Ang pagibig ay hindi dapat pinaglalaruan dahil mahirap ayusin pag nasira. Pagkatapus nyo magpaalam sa isat isat. Anu ba talaga ang dapat pairalin para maka move on ng mabilis. Kung mahal mo talaga sya, dapat ibigay mo kung anu ang gusto nya. Suriin natin ang ating sarili. Baka naman nagiging makasarili na tayo at ang gusto lang natin ang nasusunod. May pagmamahal na ang gusto ay akin ka lamang at hindi mo na alam kung masaya paba sya or hindi. Magiging masaya kaba kung alam mong hindi na masaya sayo ang taong mahal mo? Paano kung magiging masaya sya sa iba nang tao at hindi sayo? Paano mo ipakita na mahal mo sya kahit wala na sya sa tabi mo. Hindi lahat ng pusong nagmamahal ay nakakaunawa nito. Kaya napapalitan ng galit or sama ng loob ang dating pagibig.

Sa sarili kung karanasan, tinanggap ko lang ang totoo na tapus na kami at hindi na ok ang pagsasama namin, ngunit nananatili ang pagmamahal ko sa kanya. Natutunan ko sya na mahalin kahit hindi na nya kailangan ang pagmamahal ko. Hindi ko na kailangan magalit dahil ayaw ko rin naman masaktan ang sarili ko or makasakit pa ng damdamin ng ibang tao. Mahirap unawain at isaksak sa isipan ang lahat ng dahilan ng paghihiwalay pero kung talagang pagibig ang paiiralin mo ay tiyak na lalawak ang iyong pangunawa.

Base naman sa karanasan ng aking kaibigan. Tanging galit lang ang gusto nya gawin at maramdaman. Ang salitang paghihiganti ang tanging bukang bibig nya. Ganito talaga ang ginagawa at nasasabi ng galit na puso. Tuluyan na nagbago ang pagmamahal nya kaya ganun nalamang kung makapagsalita sya ng masakit. Hindi naman tayo naglalaro, seryoso naman at naging totoo tayo sa pakikisama ngunit ang kabiguan ay hindi maiwasan. Wala na talaga sigurong pagibig na natira sa puso nya. Sa tingin ko ay hindi madaling makalimot sa ganitong paraan. Ang magpatawad ang tangi nyang kailangan para mawala ng galit nya sa puso. Sa ganitong paraan unti unting mawawala ang galit at sama ng loob nya sa oras na matangap nya ganun talaga ang pangyayari.

Hatred can bring more pain and love can accept the pain.

Ang pakikihalobilo sa maraming tao ay makakatulong sapagkat makakaroon ka ng makakausap na tungkul sa ibang bagay.

Ang pagiging masigla sa sports ay nakakapagbigay ng panibagong lakas. Nalilipat ang puso at isipan natin sa ibang labanan kaya pansamantala or tuluyan mo na silay makalimutan

Ang lubus na pagmamahal sa sarili ang pinakamagandang irekomenda ko. Walang ibang lubus na magmamahal sayo kundi ikaw. Ang paghinga mo sa bawat segundo ay katunayan ng pagibig mo sa sarili mo kaya lubusin mo nalang.

Yakapin nating ang ating ama at ina, kahit hindi natin masabi ang ating nararamdaman at problema. Ang pagyakap sa kanila ay tunay na nakakagaan nang loob. Isipin mo nalang na hindi ka nila pinalaki upang masaktan lang.

Maraming bagay ang pwedi nating gawin kung nais lang nating makalimot. Ang mahalaga ay ang nais mo na maging masaya at maayus ang pamumuhay mo.