Sa kabila ng lahat. Mahal na mahal kita kahit hindi ko na kayang pang baguhin ang nakaraan ang mahalaga sakin ngayon ay ang mahalin ka, mahalin ka kahit alam kong masakit kapag naaalala mo ang mali sa nakaraan. Katulad ng pagkakamali ni Eva at Adan ay lilipas ang panahon at mawawala sa isipan mga nangyari noon.

Kasama kita. Masaya at ramdam ko ang pagmamahal… Itatanung ko na naman sa sarili ko kung hangang kailan ang ganitong pakiramdam ay mananatili, sana naman hangang kamatayan kung kailan wala na talaga akong nararamdaman.

Mahal kita. Alam kong mahal kita. Hindi ko masukat ang damdamin ko kung gaano kita iniibig. Wag kang magalala kung makikita mong lumuhuha ang aking mga mata. May mga bagay lang talaga na hindi mo mapiligilan dahil sa saya at sa kung ano paman.

Itinaya ko na ang dangal ko. Nabighani ako sa taglay mong ganda at ninais ko na makilala ka. Alam ko na maraming nagkakagusto sayo at manliliit lang ako kung ikukumpara sa kanila. Subalit ako lang ang may dangal at may banal na layunin sa buhay mo.

Malayang pagibig. Malaya ka sa aking tabi. Malaya kang gawin ang lahat ng nais mo. Kahit na lisanin mo ang lahat ng meron tayo ay mananatiling sayo parin ako sa pagbabalik mo. Kahit sabihin mo na hindi mo na ako mahal ay gagawa ako ng paraan na ipaalala sayo minsan ang pagibig mo ang nagpalaya sa damdamin ko. Bunuksan ko ang puso ko at pinalaya para sa pagibig mo.

Sa una at huli. Hindi ko alam kung paano itinadha ang pagkakilala natin at hindi ko rin alam kung sino ang hangan huli sa atin. Ang mahalaga ngayon ay may tinatanaw akong bukas na kasama ka ay masaya. Ang matibay mong yakap sa bawat sandali ay malubos kong ipinagpapasalamat sa Ama.