Nakatangap ako ng text message mula kay Mike. “Sorry dangs, Short Notice, bukas na ang kasal namin ni Hana, sa Iglesia Ni Cristo Lokal ng Caloocan, 10am.” Sorry at wala ako maihahandang regalo kaagad, to be follow nalng po.

Nagulat lang ako kc biglaan naman, ang bilis na approved ang kanilang requirements sa pagpapakasal. Tapus na ang kasalan at picture taking na ang amin naabutan, kasama ko syempre ng gf ko ngayon na si Lourdes. Eto ang kuha sa kamera ko.

[custom_frame_center] [/custom_frame_center] Hindi nakarating ang iba pa naming kaibigan. Short Notice talaga kaya hindi na naishoot sa schedule o baka daw para kunti lang makadalo, – hirit ni ***.
Napansin ko na marami ang may sasakyan. Naroon ang groupo ni Kit at kabilang sila sa AIMGlobal, ang grupo ng payaman. Sinikap kong mauna sa reception upang maiparada ng maayus ang dala kong sasakyan. Sana may oras pa para makakwentuhan sila Kit, masarap, masaya, at mabuti ang makipagkwentuhan sa mga taong matataas ang pangarap.

Syempre gutom na kami. Una talagang inihahanda ng drinks. Sa tingin ko; paraan eto para kami ay mabusog agad. Tapus my taco chips. At natapus din ang paghihintay dumating ang mga pagkain aming pinagsaluhan.

Sumali ako pagkuha ng lace garter, pero hindi ko na hinangad ang manalo. Gusto ko lang maaya ang ang ibapa para gawin ang laro. Alam ko namang maaring magselos si Lourdes kung sakaling ako ang manalo at kapag isusuot ko na ang garter sa hita ng ibang dalaga. Naku, may kiss to check pa pala eto kaya sa tingin ko magugulpi ako ni Lou kung ako ang mananalo.

Umuwi kami ni Lou bilang saksi sa reception… sorry kung hindi kami umabot sa oras ng kasal.

Ang masasabi ko para kay Mike; “Sana palagi kang inspirado, magsilbing alab ng damdamin mo ang iyong Asawa.” At ang masasabi ko naman sa iyong kabiyak ay “add nya ako ulit sa facebook.” Palaging magpasakop pero wag namang magpauto.

Maraming salamat sa short notice. Maligayang pagiisang dibdib.