Ang pagdududa ay isang uri ng pagiisip na my pagtatanung. Nagtatanung tayo sa mga bagay na hindi tiyak at hindi maipaliwanag. Nakakainis nga lang kung eto ay mangyayari ng hindi inaasahan. Normal na eto sa buhay ng tao.

Sa Umaga

Kakambal eto ng mga alanganing pagkilos kagaya ng paggising habang inaatok pa. Katulad na lamang din sa pag bibiyahe, namimili tayo ng sasakyan na sa tingin natin ay maihahatid tayo ng maayus at mabilis.

Sa Relasyon

Isang magandang pangitain ang pagdududa pagdating sa relasyon. Eto ang punto na ang malabo ay lumilinaw at ang pagiibigan ay tumitingkad ngunit higit sa lahat ang tunay na pagibig ay mahahayag. Makikita sa nagdudu na inaalam nya ang nagyayari sa inyong dalawa. Dito ang pagibig ay sumasaisang tabi at ng tiwala ang umiral. Masakit kung mapagdudahan ka na hindi ka seryoso sa relasyon nyo kung ang puso mo ay sadyang tapat. Hindi ka naman dapat magalit o mainis sa ganitong pagkakataon sapagkat nahahayag lamang ang kanyang pagmamahal. Ang pagmamahal nalang nya ang iyong alalahanin.

Nabubuhay ang pagibig kung ang tiwala at pagiging tapat ay pinagsama.

Saan patungu ang pagibig na hindi tapat at walang pagtitiwala. Dapat na pagsumikapan na gawin ang lahat ng bagay upang pagtiwalaan ka ng ka relasyon mo. Ang pagiging matapat ay makakatulong sa pagkakaunawaan.

Hindi naman lahat ng nagkakaunawan ay magkasundo. Nagkataon lang na alam nyo ang sitwasyon ng bawat isa. Marahil ang pride ng bawat isa ay umiiral kaya nga dapat lamang na may magpakumbaba at mabigay ng puwang at magpasakop.

Hindi maitatago sa mga nakakaranas nito ang maiyak na lang sa isang tabi. Karanasan ko narin eto at hiling ko rin naman na malampasan natin eto. Ang mga nabangit ko sa taas ay syang tanging paraan para may mabaon akong ngiti pagdating ng bukas.