Atis Capital Of The Philippines

in 140th Foundation day of Municipality of Lobo. The Atis Capital of the Philippine is awarded.

Nakagat ako ng laywan noong July 30 2012, isang klase nang bubuyog na gumagawa ng masarap na pulot. Naghahanap ako noon ng atis sa aming bakuran ng hindi ko namalayan may nagsasaray na pala ng lawan sa may banyo. Hindi na kc nagagamit ang banyo nayon kaya siguro na pili nila na dun mamahay. Take note na may punu ng atis sa may banyo.

Sa paa ako nakagat ng bubuyog. Sa gitna malapit sa daliri at may iniwang kisot ang insecto upang ako ay malason. Nakakatawa naman dahil ngayon nalang ulit ako nakagat nito, ilang beses narin akong nakagat ng ganitong klaseng insecto. Hindi ko lang expected na mahina ang resistensysa ko kaya lagnat at nauwi pa sa trangkaso ang inabot ko.

Nang ako ay makagat ay nagkaroon ako ng kulani. Isang palatandaan na may lason nga or toxin ang naiwan pagkakagat sa akin ng boboyog. Ang kulani ay isang depensa ng katawan upang hindi nya patuluyin ang lason magcirculate sa ating dugo. Sumasakit ang kulani pag nahihirapan itong pigilan ang lason or toxin. Kung ang sugat mo ay may inpeksiyon or nagkanana, natural lamang din na magkakulani ka.

Walang gamut sa kulani dahil ito ay isang hudyat lamang na may kalaban ang ating katawan. Ang dapat nating gamutin ay kung anu ba ang sanhi ng kulani. Maari rin palakasin ang immune system para magin matibay at mas lalong mapigilan nila ang toxin na papasok sa katawan. Mas mainam ang pagkain ng prutas and mga masusustansiyang pagkain. Magpaconsulta rin kung anu ang mabisang gamut para gamuting kung anu man ang sanhi ng iyong kulani.

Sa akin naman karanasan, dapat hangang sa kulani lang ang sakit na mararanasan ko. Sadyang malakas ang lason ni bubuyog kaya nakalusot sa aking kulani na syang dahilan ng pagkakaroon ko ng lagnat. Bukod dun ay nababasa-basa pa ako ng ulan kaya dumating narin ang aking trangkaso. On and off ngayon ang lagnat ko, need ko nalang ng masigabong pahinga.
Minsan inisip ko kung maging mutant ba ako kaya lang ayaw ko naman maging kamuka ni Jolibee. Tapus ang kataga na isisigaw ko para mag transform ay “Bee Happy to the rescue” ok narin kung ang misyon ko naman ay ang magpasaya ng mga nalulungkot or magbigay ng inspirasyon at pagasa sa mga nawawalang ng pagaasa.

Nakapag joke pa nga ako ng nakakatawa. Sabi ko kaya ako nilagnat dahili kasing laki ni Jolibee ang kumagat sa akin.